nakakatuwang makakita ng pamilyar na mukha.

nakita ko kahapon sa glorietta si lai. pareho kasi kaming nag-aantay ng magulang. nagtatrabaho pala siya ngayon sa isang kumpanyang gumagawa ng mga video para sa mga patalastas. palagi kaming magkagrupo noong kolehiyo (nyak, parang ang tagal na) kapag may mga proyektong nangangailangan ng videos. noon, pareho ang landas na tinatahak namin: na mapunta sa trabahong magagamit namin ang aming "creative juices." basta ayaw namin na mapunta sa mundo ng mga korporasyon. nakakatawa, dahil tingnan mo nga naman kung nasaan ako..

tumatanda na tayo.

hindi naman sa nagsisisi ako. may makikita ka naman palagi na hindi kanais-nais kahit san ka pa magtrabaho. halos lahat yata sa amin ay pudpod at lunod na. may nabanggit sa akin si lai na talagang nakakatawa. hindi ito ang eksakto niyang sinabi, pero pwede na rin: hinahanap natin ang mga dati nating kaibigan kasi hindi tayo naiintindihan ng mga kasama natin ngayon. nakakatawa dahil talagang totoo. nakakatawa na may halong kasaklapan.

at wala ka nang ibang magawa kundi tumawa.

oo, pwede ka rin umiyak, magreklamo o ano pa man. pero wala namang maidudulot na maganda ang mga yun. kaya tumawa na lang nang tumawa. ika nga ni lai, "buti na lang at wacky pa rin, kahit nagtatrabaho na tayo." mababaliw ka kasi kung seseryosohin mo ang lahat.

at oo, mahilig ako sa SBC-- SANITY break coffee. oras na para isa ngayon.