a break from all the "hecticities" of work: a commentary on recent showbiz chika. hahaha.

on rosanna roces
175 pounds. grabe. magpapakamatay ako kung bumigat ako ng ganun.

on katrina halili
habit/mannerism na raw niya ang mag-make faces kung pinapagalitan siya. hindi daw niya binastos si direk. tanga ba siya o ano?

on kris aquino

nakakakuha si kris ng 7-digit bonus-- 2 million pesosesosesoses to be exact-- for the success of Sukob, which supposedly, is the highest grossing pinoy movie ever. at talagang inannounce niya yun sa The Buzz. ipamukha pa daw sa buong Pilipinas na napakayaman niya dahil sa mga tumangkilik sa pelikula niya na mahihirap. oh well, isa rin ako sa mga iyon. haha. kahit ano pang sabihin nila, gusto ko pa rin si kris aquino, hindi dahil sa kanyang acting skills (obvious ba), kundi sa kanyang pagiging totoong tao-- in other words, kakapalan ng mukha. haha.

on pops fernandez
nag-pose si pops para sa FHM. hindi naman yata ito ang una niyang pagpapaseksi. at mukhang hindi rin ito ang unang beses na pinahiya niya ang kanyang mga anak. ewan ko ba kung paanong naisip ng babaeng ito na ok lang ang mag-pose ng seksi para sa isang magasin habang may mga mga anak siyang lalaki. tsk tsk.

on the goma-rufa mae-erik santos issue
sa totoo lang, wala na akong pakialam sa issue na ito. ang tanong ko lang: bakit nung dinedepensahan nina cristinelli at jobert si erik santos, hindi nila dinepensahan si piolo pascual? hahahahaha.

on jowee ann marquez
ang una kong naisip: kakawawa naman ang batang ito-- bakit ba naisipan ng mga magulang niya na pangalanan siyang "jowee". hahaha. anyway, naiinis lang ako sa buong issue ng slimming pills niya. una, sa gobyerno: siyempre ngayon lang nila iniimbestigahan yung pills at kung saan nito nanggaling, ngayon na lumantad si jowee at may balak pa yatang sumampa ng kaso sa kung sino mang disributor nito dahil muntik na siyang mamatay. pangalawa, kay jowee mismo: eh tanga pala siya eh. bakit ka bibili at iinom ng slimming pills na hindi prescribed ng duktor?! higit pa rito, hindi mo nga alam kung anong laman nun at kung saan ito nanggaling. katangahan talaga.

----------

andito ako ngayon sa GM's lounge.
maraming frames na nakabalot pa.
paintings.
may obrang nakadisplay sa dingding.
may librong Art Philippines.
binuksan ko ang libro at naiiyak ako.

gusto kong magpinta muli.