mukha ngang totoo yung kasabihan na mamamalayan mo lang ang halaga ng isang bagay [tao] kung wala na ito [siya].

mas masaya na ako ngayon, pero inaamin ko, nangungulila rin naman ako sa "hecticism" ng dati kong gawain. tila nasanay na ako. madalas kasi akong hindi mapakali. dapat may ginagawa / inaayos / kinakalikot palagi.

ginawa at ipinadala ko ang larawang ito nung huling araw ko sa dati kong trabaho. minsan naiisip ko rin ang mga kaibigang naiwan ko.


ngayon ay panahon na naman ng pagkakaroon ng mga bagong kaibigan. :)