alam mo yung pakiramdam kapag nakasakay ka sa roller coaster, yung may loop? alam mong darating ang panahon-- iilang segundo na nga lang-- kung kailan babaliktad ang mundo mo.

at hihigpitan mo ang kapit mo.

at kahit kabado ka o takot o parang lumuluwang yung seatbelt mo, ok lang. alam mo naman din kasing panandalian lang. babalik ka din sa lupa.

at sa iyong pagbaba, maaaring sumuka ka at mahilo. at ayaw mo na uling sumakay. ngunit maaari din namang nasiyahan ka at ipagpatuloy ang pakikipagsapalaran, ang pagsubok, ang pagsakay.

hawak lang. kapit lang. oras lang naman ang mawawala.