sampung taon na rin ang nakaraan nang una akong naging "ganap na babae." at naiinis pa rin ako hanggang ngayon. alam kong kailangan yon para mapalaganap ang lahi. pero bakit ba hindi na lang ginawa ng diyos ang babae na hindi nagkakaregla? nakakainis. sagabal.

sa sampung taon na yon, hindi naging regular ang pagkakaroon ko. minsan hindi ako nagkakaroon. bukod pa dun, sobrang lakas at mas matagal kaysa normal pag meron ako. nakakainis.

sabi ng gynecologist ko nung sabado, limang araw akong uminom ng Provera. pag hindi pa rin ako nagkaroon sa isang linggo, ibig sabihin ay may mali sa ovaries ko. kung magkaroon ako, uminom na ako ng Diane 35, isang klase ng birth-control pills para mabalanse ang aking hormones. at nagkaroon nga ako kahapon.

pero kamusta naman, nagising ako kanina, 5am, dahil tinagusan ako. malamang nagpalit ako, naglaba (5am.. 5am..) at natulog uli. pagkagising ko ng 9am, ayun, tinagusan nanaman ako. at kamusta naman talaga, pagtayo ko, biglang buhos. talo pa waterfalls. pag nakita ng kung sino man yung kwarto ko kanina, aakalahin niyang may sinaksak dun. may dugo kasi sa kama, sa sahig, sa tsinelas, pati na sa mga binti ko. KAMUSTA NAMAN YUN, DI BA???

buti na lang at ngayon nangyari ito at hindi kahapon. ayan kasi, hiling ako nang hiling noong nakaraang tatlong buwan na magkaroon na ako. yan tuloy, nasobrahan.

bwiset talaga. bwiset.